Patients & Visitor's Guide
1. You have the right to receive considerate, respectful and compassionate health care in a safe setting regardless of your age, sex, gender, religion, ethnicity, political affiliation, disability or capacity to pay free from all forms of abuse, neglect or ill treatment.Â
May karapatan kang tumanggap ng mapagsaalang-alang, magalang at matulunging health care sa ligtas na lugar anuman ang iyong edad, kasarian, relihiyon, etnisidad, kasapiang political, kapansanan, o kakayahang makapagbayad, na malaya sa lahat ng anyo ng pang-aabuso, kapabayaan, o maling panggagamot.
2. You have the right to be assigned to a competent doctor / resident physician and be told of the names of all health team members who are qualified to provide diagnosis, treatment and medical advice. Likewise, you have the right to know your hospital and physician fees and receive information about the possibility of financial assistance.
May karapatan kang mabigyan ng mahusay na doktor at maipalam ang mga pangalan ng lahat ng kasapi ng pangkat na kwalipikadong susuri, gagamot, at magbibigay ng payong medikal. Gayundin, mayroon kang karapatang malaman ang iyong bayarin sa ospital at doktor at makatanggap ng impormasyon hinggil sa posibilidad na tulong pinansyal.
3. You have the right to notify a family member or person of your choice and your chosen doctor of your admission to the hospital.
May karapatan kang ipaalam sa miyembro ng iyong pamilya o sa sinuman at sa iyong napiling doktor ang iyong admisyon sa ospital.
4. You have the right to have someone remain with you during your hospital stay unless it compromises your or others' rights, safety or health.
May karapatan kang magkaroon ng kasama sa iyong pananalita habang nasa ospital maliban kung nakokompromiso nito ang karapatan, kaligtasan at kalusugan mo o ng ibang tao.
5. You have the right to exercise your spiritual and cultural beliefs within the capacity and rules of the hospital/medical center.
May karapatang kang isagawa ang iyong espiritwal at kultural na paniniwala na umaayon sa kakayahan at mga tuntunin ng ospital.
6. You have the right to be informed and give consent before any non-emergency procedure or research / experiment or to refuse such.
May karapatan kang malaman at makapagbigay ng pahintulot bago ang anumang prosidyur o pamamaraan, na di-emergency o pagsasaliksik / eksperimento, o tanggihan ang naturan.
7. You have the right to privacy and confidentiality of your medical records according to laws, as well as in care discussions, examination, and treatment and the right to see or get a copy of your medical records except those records restricted by law.
May karapatan ka sa pagiging pribado at kumpidensyal ng iyong ulat medikal alinsunod sa batas, gayundin sa mga diskusyon sa pangangalaga, eksaminasyon at ang karapatang makita o mabigyan ng kopya ng ulat medikal maliban sa kung ang natukoy na ulat ay di-pinahihintulutan ng batas.
8. You may request for an escort during physical examinations.
Maari kang humiling ng kasama habang isinasagawa ang pisikal na eksaminasyon.
9. You have the right to be represented by someone (assignee) to decide on your behalf when the circumstances warrant.
May karapatan kang katawanin ng iba upang magpasiya para sa iyo kung hihingin ng pagkakataon.
10. You have the right to ask about and be informed of the complaint process and express grievances without fear of recrimination or reprisal. You are encouraged to speak directly to the health care provider involved in your care.
May karapatan kang magtanong at malaman ang proseso ng pagrereklamo at ipahayag ang mga hinaing nang walang takot. sa igaganting-paratang o paghihiganti. Ikaw ay hinihikayat na direktang makipag-usap sa health care provider na nangangalaga sa iyo.